Gabay sa pagsasagawa ng participatory cooking sessions upang mapabuti ang mga kasanayan sa pagbibigay ng karagdagang pagpapakain
Ang Gabay sa pagsasagawa ng participatory cooking demonstrations upang mapabuti ang mga kasanayan sa pagbibigay ng karagdagang pagpapakain ay inilathala upang magsilbing patnubay sa mga community nutrition at health workers sa pagsasagawa ng participatory cooking demonstrations gamit ang pangkaraniwan pagkain sa kanilang komunidad. Ang mga lokal na recipe ay kinalap at pinaghusay para magamit sa pagsasagawa ng mga cooking demonstration. Ito rin ay magagamit na batayan sa wastong paghahain ng kar agdagang pagkain para sa mga batang may edad 6 hanggang 9 na buwan, 9 hanggang 12 na buwan, at 12 hanggang 24 na buwan. Ang gabay ding ito ay maaaring gamitin ng mga magulang, tagapag-alaga, at program managers sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wastong karagdagang pagpapakain na angkop sa kalagayan ng kani-kanilang mga lugar. Nagpapakita ang gabay na ito ng impormasyon at patnubay sa karagdagang pagpapakain gaya ng tamang panahon kung kalian nararapat simulan ang pagbibigay nito, implika syon ng maaga o huling pagsisimula ng pagbibigay nito, senyales kung ang bata ay handa na para dito, mga uri ng pagkain na maaaring ibigay, pagpaplano at pagsasagawa ng participatory cooking demonstration.
Main Author: | |
---|---|
Format: | Book (stand-alone) biblioteca |
Language: | Tagalog |
Published: |
FAO ;
2017
|
Online Access: | https://openknowledge.fao.org/handle/20.500.14283/I7265TL http://www.fao.org/3/i7265tl/i7265tl.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|